DATOS
Tuklasin ang mga Balita't Kaalaman
Sunday, December 5, 2010
Thursday, December 2, 2010
Sex Education, ipapatupad simula sa Kinder...
‘Sex education dapat simulan sa kinder’
Bandera First Posted 07:30:00 06/03/2010 Filed Under:
‘Sex education dapat simulan sa kinder’
Ni Bella Cariaso
INATASAN kahapon ng Palasyo ang Department of Education (DepEd) na magsagawa ng konsultasyon hinggil sa pagpapatupad ng sex education sa mga paaralan sa harap ng pagbatikos ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).
Sa kabila nito, sinabi naman ni Health Secretary Esperanza Cabral na dapat ituloy ng DepEd ang pagpapatupad ng pagsama ng sex education sa curriculum ng mga nasa elementarya at high school.
Bukod dito, naniniwala rin si Cabral na dapat umanong simulan ang sex education sa kindergarten pa lang.
Sa kanyang lingguhang press conference, sinabi ni Executive Secretary Leandro Mendoza na bagamat hindi sinususpinde ang nakatakdang implementasyon nito sa pasukan, kailangang makipagdayalogo ang DepEd sa mga kritiko nito.
“Not necessarily (suspension ng pagpapatupad) but there should be consultation, depending on the result and then that’s the time maybe that the Palace can act on that,” sabi ni Mendoza.
Ayon pa kay Mendoza, ang konsultasyon, partikular sa Catholic Bishops Conference of the Philippines ay tanda na rin ng pagrespeto sa posisyon ng Simbahang Katolika.
Laman pa rin ng mga balita ngayon sa dyaryo, radyo at telebisyon ang patungkol sa pagpapatupad ng sex education sa ilang mga paaralan, at ang mahirap pa noon ay balak itong simulan sa 'kindergarten'. Ito ay ang sinasabing solusyon sa maagang pagbubuntis at pag-aasawa, ngunit sa murang edad ng mga kabataan sila ya mamumulat na sa ganitong mga bagay. Ikaw ba'y sang-ayon sa pagpapasatupad ng bagay na ito? Sa tingin mo, makatutulong ba ito sa mga kabataan? Ano sa tingin mo ang maidudulot nito sa mga kabataan?
Ayon sa CBCP, ang 'pagtatalik' ay isang napaka-sagradong bagay na nararapat na igalang at hindi lapastanganin at abusuhin. Ngayon ay nagkakaroon ng hidwaan ang gobyerno (DepEd) at simbahan, patungkol sa isyung nais isakatuparan ng pamahalaan, ang ilang mga magulang ay panig naman sa simbahan na ang mithiin ay panatilihing sagrado ang bagay na ito at iwasang mamulat ang mga kabataan sa maseselang usapin.
Ako bilang parte ng makabagong kabataan, hindi ako sang-ayon sa bagay na ito sapagkat alam kong maaari itong makaapekto sa iba't ibang aspeto ng buhay namin bilang mga kabataan. Imbis na kami'y mamulat sa magagandang bagay, maaga kaming matututo sa mga maseselang bagay nang wala sa tamang panahon. Mas gugustuhin ko pang ito'y mabuksan at matutunan mula sa sarili naming mga magulang, upang sa gayo'y maayos nila itong maipaliwanag at maipaintindi ang kahalagahan at ang kasagradohan ng bagay na ito. At bilang isang Katoliko, iginagalang ko ang desisyon ng ating simbahan sapagkat alam kong ito'y makabubuti sa akin at sa aming mga kabataan. Hindi naman masamang matutunan at pag-aralan ang bagay na ito, ngunit kailangang masiguro na ang lahat ng bagay ay nasa tamang panahon at ang mga bagay bagay ay nakahanda na para sa posibleng kalalabasan at apekto nito.
Kung ikaw ang tatanungin, saan ka papanig? Sa simbahan o sa pamahalaan?
Opinyon:
"Sex education is a broad term used to describe education about human sexual anatomy, sexual reproduction, sexual intercourse, reproductive health, emotional relations, reproductive rights and responsibilities, abstinence, contraception, and other aspects of human sexual behavior. Common avenues for sex education are parents or caregivers, school programs, and public health campaigns."
Laman pa rin ng mga balita ngayon sa dyaryo, radyo at telebisyon ang patungkol sa pagpapatupad ng sex education sa ilang mga paaralan, at ang mahirap pa noon ay balak itong simulan sa 'kindergarten'. Ito ay ang sinasabing solusyon sa maagang pagbubuntis at pag-aasawa, ngunit sa murang edad ng mga kabataan sila ya mamumulat na sa ganitong mga bagay. Ikaw ba'y sang-ayon sa pagpapasatupad ng bagay na ito? Sa tingin mo, makatutulong ba ito sa mga kabataan? Ano sa tingin mo ang maidudulot nito sa mga kabataan?
Ayon sa CBCP, ang 'pagtatalik' ay isang napaka-sagradong bagay na nararapat na igalang at hindi lapastanganin at abusuhin. Ngayon ay nagkakaroon ng hidwaan ang gobyerno (DepEd) at simbahan, patungkol sa isyung nais isakatuparan ng pamahalaan, ang ilang mga magulang ay panig naman sa simbahan na ang mithiin ay panatilihing sagrado ang bagay na ito at iwasang mamulat ang mga kabataan sa maseselang usapin.
Ako bilang parte ng makabagong kabataan, hindi ako sang-ayon sa bagay na ito sapagkat alam kong maaari itong makaapekto sa iba't ibang aspeto ng buhay namin bilang mga kabataan. Imbis na kami'y mamulat sa magagandang bagay, maaga kaming matututo sa mga maseselang bagay nang wala sa tamang panahon. Mas gugustuhin ko pang ito'y mabuksan at matutunan mula sa sarili naming mga magulang, upang sa gayo'y maayos nila itong maipaliwanag at maipaintindi ang kahalagahan at ang kasagradohan ng bagay na ito. At bilang isang Katoliko, iginagalang ko ang desisyon ng ating simbahan sapagkat alam kong ito'y makabubuti sa akin at sa aming mga kabataan. Hindi naman masamang matutunan at pag-aralan ang bagay na ito, ngunit kailangang masiguro na ang lahat ng bagay ay nasa tamang panahon at ang mga bagay bagay ay nakahanda na para sa posibleng kalalabasan at apekto nito.
Kung ikaw ang tatanungin, saan ka papanig? Sa simbahan o sa pamahalaan?
Subscribe to:
Comments (Atom)


