Thursday, December 2, 2010

Sex Education, ipapatupad simula sa Kinder...







‘Sex education dapat simulan sa kinder’

‘Sex education dapat simulan sa kinder’
Ni Bella Cariaso

INATASAN kahapon ng Palasyo ang Department of Education (DepEd) na magsagawa ng konsultasyon hinggil sa pagpapatupad ng sex education sa mga paaralan sa harap ng pagbatikos ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Sa kabila nito, sinabi naman ni Health Secretary Esperanza Cabral na dapat ituloy ng DepEd ang pagpapatupad ng pagsama ng sex education sa curriculum ng mga nasa elementarya at high school.

Bukod dito, naniniwala rin si Cabral na dapat umanong simulan ang sex education sa kindergarten pa lang.

Sa kanyang lingguhang press conference, sinabi ni Executive Secretary Leandro Mendoza na bagamat hindi sinususpinde ang nakatakdang implementasyon nito sa pasukan, kailangang makipagdayalogo ang DepEd sa mga kritiko nito.

“Not necessarily (suspension ng pagpapatupad) but there should be consultation, depending on the result and then that’s the time maybe that the Palace can act on that,” sabi ni Mendoza.

Ayon pa kay Mendoza, ang konsultasyon, partikular sa Catholic Bishops Conference of the Philippines ay tanda na rin ng pagrespeto sa posisyon ng Simbahang Katolika.

Opinyon:

"Sex education is a broad term used to describe education about human sexual anatomy, sexual reproduction, sexual intercourse, reproductive health, emotional relations, reproductive rights and responsibilities, abstinence, contraception, and other aspects of human sexual behavior. Common avenues for sex education are parents or caregivers, school programs, and public health campaigns." 

Laman pa rin ng mga balita ngayon sa dyaryo, radyo at telebisyon ang patungkol sa pagpapatupad ng sex education sa ilang mga paaralan, at ang mahirap pa noon ay balak itong simulan sa 'kindergarten'. Ito ay ang sinasabing solusyon sa maagang pagbubuntis at pag-aasawa, ngunit sa murang edad ng mga kabataan sila ya mamumulat na sa ganitong mga bagay. Ikaw ba'y sang-ayon sa pagpapasatupad ng bagay na ito? Sa tingin mo, makatutulong ba ito sa mga kabataan? Ano sa tingin mo ang maidudulot nito sa mga kabataan?

Ayon sa CBCP, ang 'pagtatalik' ay isang napaka-sagradong  bagay na nararapat na igalang at hindi lapastanganin at abusuhin. Ngayon ay nagkakaroon ng hidwaan ang gobyerno (DepEd) at simbahan, patungkol sa isyung nais isakatuparan ng pamahalaan, ang ilang mga magulang ay panig naman sa simbahan na ang mithiin ay panatilihing sagrado ang bagay na ito at iwasang mamulat ang mga kabataan sa maseselang usapin.

Ako bilang parte ng makabagong kabataan, hindi ako sang-ayon sa bagay na ito sapagkat alam kong maaari itong makaapekto sa iba't ibang aspeto ng buhay namin bilang mga kabataan. Imbis na kami'y mamulat  sa magagandang bagay, maaga kaming matututo sa mga maseselang bagay nang wala sa tamang panahon. Mas gugustuhin ko pang ito'y mabuksan at matutunan mula sa sarili naming mga magulang, upang sa gayo'y maayos nila itong maipaliwanag at maipaintindi ang kahalagahan at ang kasagradohan ng bagay na ito. At bilang isang Katoliko, iginagalang ko ang desisyon ng ating simbahan sapagkat alam kong ito'y makabubuti sa akin at sa aming mga kabataan. Hindi naman masamang matutunan at pag-aralan ang bagay na ito, ngunit kailangang masiguro na ang lahat ng bagay ay nasa tamang panahon at ang mga bagay bagay ay nakahanda na para sa posibleng kalalabasan at apekto nito.

Kung ikaw ang tatanungin, saan ka papanig? Sa simbahan o sa pamahalaan? 

21 comments:

  1. Para sa akin, mas papanig ako sa simbahan sapagkat alam nila at ipinaglalaban nila na hindi dapat magpatupad ng sex education sa mga paaralan.

    ReplyDelete
  2. para sa akin, ok lang na pag aralan ang sex education. ndi naman para gawin ntin ngunit para malaman ang hindi natin dapat gawin. ngunit sa mga bata parang ndi dapat ito ituro, ksi mababaw pa ang kanilang kaisipan.. (:

    ReplyDelete
  3. Papanigan q ang simbahan sa bagay na ito.. Dahil sa tingin ko di dapat mapatupad ang sex education.
    Hindi pa ito dapat ituro sa mga bata especially sa Kinder students at sa mga batang wala pang masyadong alam sa mga bagay na iyon... At baka bigyan nila ito ng malisya at mag-isip ng bagay na masasama...

    ReplyDelete
  4. ayos lang na ituro ito sa elementarya..paro pati ang kinder?? parang hindi pa rin dapat kasi masyado pang mga bata at baka nga hindi nila ito masyadong maintindihan.

    ReplyDelete
  5. ..hindi naman cguro masama ang pagsi2mula ang sex education.
    para sakin
    ..,may mga bata na dapat hindi makarinig ng maseselang bagay..dahil sariwa pa ang kanilng mga utak.
    ..papanig ako sa simbahan sa bagay na to
    hindi pa dapat nila itong ituro sa mga bata lalo na sa kindergarten..
    ..wala pa kasi silng alam sa mga ganong bagay

    ReplyDelete
  6. para skin..maaaring pwede..kung ituturo ito sa mga taong may alam na tungkol d2 o ung nsa tamang edad na..pero kung ituturo ito sa mga batang walang kaalam alm, na mga,, sbihin na nting wla pa sa gayong gulng upang malaman ang tunkol dto..para skin parang di maganda to..maaga nga nilang malalaman to..pero parang d pa dpat sa ngaun..

    ReplyDelete
  7. hindi ako sang-ayon dito,kasi maagang mamumulat ang mga kabataan sa mga ganitong bagay.kaya't papanig ako sa simbahan na huwag ituro ang mga maseselang bagay na ito lalo na sa mga bata, sapagkat mababaw pa ang kanilang kaisipan at sila'y musmos pa lamang.

    ReplyDelete
  8. kung para sa mga high school students na tulad natin baka pa, dahil malawak na ang ating mga pang-unawa sa ganyang mga usapin... nguni kung sa mga batang 5-6 na taong gulang lamang ang edad? papanig ako sa simbahan.. paano'y napakabata pa nila upang mamulat sa ganoong mmga bagay.. mababaw pa ang kanilang mga pang-uanawa, at higit sa lahat, sila ay magkakaroon ng muwang ungkol sa kamunduhan at ka-imoralan.!
    ... kung ako ay isang magulang, ako ay magpo-protesta kung ganyang mga bagay ang ituturo sa aking anak! ang paaralan ay nagtuturo ng kaalaman at kagandahang-asal, hindi ng kamunduhan!

    ReplyDelete
  9. Para sa akin, hindi pa kayang unawain ng isang Kindergarten student kung ano ang tunay na kahulugan ng salitang "sex", ang mga epekto nito at lalo na ang mga consequences sa pag-iinvolve ng sarili sa ganitong gawain. Hayaan na muna dapat sila, sa kanilang napakamurang edad, na tuklasin ang maliit nilang mundo at matuto mula sa mga bagay-bagay dito.

    Sa totoo lang, personally, natutuwa ako 'pag nakakakita ako ng mga batang naglalaro na mistulang walang pakialam sa mundo.Sa panahon natin na puno ng uncertainties, nakakatuwa na may natitira pa ring tapat, inosente at puno ng sinseridad. Ang tinutukoy ko ay silang mga musmos pa lamang. Hindi ko sinasabi na tutol ako sa Sex Education sapagkat ang mga usaping ganito ay mas mainam na natutuklasan ng isang bata sa tamang paraan sa tulong ng eksplanasyon ng guro at ng mga magulang dahil kung sa lansangan nila mauunawaan ang bagay na ito, maaaring maligaw ng direksyon ang isipan nila hinggil dito. Nararapat din na siguruhing ang pagtuturo sa mga bata ay hindi sa paraang nanghihikayat na gawin ito. Kung isasali ito sa curriculum, dapat na masusing pinag-aaralan ang mga learning materials na gagamitin ng mga guro at estudyante sa pag-aaral nito. Sapagkat, nakalulungkot kung ang pagiging iresponsable sa pagtuturo nito ang magreresulta sa pagkasira ng buhay ng mga kabataan ns s'yang pag-asa nating lahat.

    ReplyDelete
  10. hindi rin ako sang-ayon dito, papanig ako sa simbahan ,hindi pa dapat ito dapat itinuturo lalo pa sa mga bata sapagkat mababaw pa ang kanilang kaisipan.

    ReplyDelete
  11. ako bilang isang mag-aaral ay pabor sa sex education...ngunit sa antas na mature na ang isip ng mga tuturuan...dahil isa itong paraan upang magising ang diwa at damdamin ng mga mag-aaaral tungkol sa usaping "SEX"..at maunawaan ang mga epekto nito bilang isang tao at magiging nga magulang ng lipunan...gayundin naman ang pagpapahalaga nila dito..

    ReplyDelete
  12. ok lng nman n ituro ito sa mga mdyo nkatatanda o s katulad nting teens.pro ang ituro ito sa kinder ay ibang uspan na..nd nmn cguro cla ggwa ng mga gnung agay ska wla p silang kamuang muang..

    ReplyDelete
  13. Isipin natin kung ito ay maisakatuparan,hindi natin alam kung magdudulot ito ng kabutihan sa mga murang kaisipan subalit kung sakali man,dapat maging aware ang lahat and take it educationally.

    ReplyDelete
  14. hidi naman dapat pang ituro yang ganyang bagay sa mag kinder, dahil maagang mamumulat ang kanilang kaisipan sa ganyang bagay. Dapat maging aware ang mga magulang sa ganitong usapan.

    ReplyDelete
  15. akoh hindi sang ayon dito..di bale na kung sa mga matatanda iyan ituturo..hindi sa mga katulad nating minor de edad pah...wag na ipatupad yan..

    ReplyDelete
  16. ok lng kung ituturo sa high-school..
    pro sa kinder ndi ako sang-ayon na ituro ang sex edu.
    kasi masyado pa clang bata pra mlaman ang ganyung bagay..

    ReplyDelete
  17. pra saken, ito naman ang di dapat ipatupad ng pamahalaan, kce ung ituturo ito simula kinder, prang mas macu-curious ang mga bata kung anu ito, tska diba dapat, nde muna ito malaman ng mga bata sa murang edad kce malay mo mali ang naging interpretasyon ng mga bata dito dahil di pa nila masyado naiintindihan ang mga itinuturo ng guro, kaya yung maling interpretasyon ng mga bata hinggil dito, ay madadala nila hanggang sa pagtanda... kaya hayaan nlng natin na sa highschool nlng simulan ang pagtuturo ng sex education...

    ReplyDelete
  18. ,,indi ako sang ayon d2,,dpat indi muna ito ituro sa mga kinder dahil masyado pa silang bata para sa ganya...ok lng kung sa highschool ito si2mulan.

    ReplyDelete
  19. d ako sang ayon kasi dito kasi mga bata palang eh hindi pa siguro handa dyan,,,

    ReplyDelete
  20. sa Simbahan pa rin ako papanig sapagkat ang pamahalaan kung minsan ang nagiging masamang ehemplo sa lahat, tulad na lamang ng mga iringan sa politika na tunay namang nakaaapekto sa karamihan at maaring gayahin pa ng mga bata... at ang pagtuturo ng Sex Education sa kindergarten ay mali sa aking panig lalo na sa Simbahan... pagbubukas ng isipan ng mga kabataan sa mga makamundong gawain ang magiging resulta kung sakaling maipatupad ito... sa kanilang edad ay hindi pa dapat ito binibigyang-pansin sapagkat mura pa lamang ang kanilang isipan at pag-unawa...

    ReplyDelete
  21. Titanium Connector T-10 for Spinning Rods
    Titanium Connector T-10 is a replacement of the original T-10. This 3 piece titanium hair trimmer replacement rod titanium pot has been crafted titanium watch band to provide babyliss pro titanium flat iron superior stability and longevity in a slick  Rating: 4.9 · titanium mens ring ‎1 review · ‎$55.95 · ‎In stock

    ReplyDelete